Sa panahon ngayon, pakonti na ng pakonti ang mga Pilipinong gumagamit ng ating sariling wika. Bakit kaya ganito? Sa ating wika nagkakaintindihan tayong lahat ngunit patuloy nating tinatangkilik ang mga salitang banyaga.
Agosto, ang buwan
ng wika. Kung kailan pinagdiriwang ang ating Wikang Filipino. Ang tema sa taong
ito ay, "Wika Natin ang Daang Matuwid". Sa unang tingin, hindi natin
mauunawaan ang tunay nitong kahulugan ngunit kung iintindihin natin itong
mabuti siguradong ito ang bubuklod sa atin tungo sa Daang Matuwid. Ang Wikang
Filipino ang magsisilbing tulay tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Ang wikang
ito ay magiging daan sa kaunlaran ng ating bansa.
Ingles, Kastila,
Intsik at iba pang mga wika. Hindi masamang ito'y ating pag-aralan ngunit huwag
lang nating kakalimutan ang nag-iisang wika ng ating bansa na puwede nating
ipagmalaki saan mang sulok ng mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento